Home » Archives » 17. January 2007
Palay o Manok?
Wednesday, January 17, 2007Argumento! Argumento! Nagtanong ako, kung agree ba sila na most men are babaero. Hanggang may sumagot na kung walang nagpapatuka, walang tutuka. Para na ding sinabing kung walang magpapaloko, walang manloloko.
Tama naman eh. It takes two to tango. Pero di ako convinced sa sagot na yun kaya nagtanong ulit ako….
"Sino ba ang mas madalas na unang kumikilos, ang palay o ang manok?"
May sumagot, eh alin ba ang gumagalaw at kumikilos >>> literally…
Ano yun? Isang pag-amin na talaga namang mga lalaki ang gumagawa ng first move? So ibig sabihin, ang conclusion eh babaero nga sila hahaha!
La lang…
Kariton
Inspired by : The Correspondents latest episode.
Apat na gulong. Sala-salabid na kahoy. Kadalasan, halos pwede ng ipanggatong. Kaya mo bang matulog sa ganun? Siguro hindi. Kung hindi ka sanay.
Pero sa iba na lumaki na sa kalsada, ito na ang bahay nila. Ito na rin ang kwarto nila. Ito na ang tahanan nila.
O ano? Nakumbinsi na ba kitang di hamak na mas maswerte ka? Sana naman…


